Sang-ayon ang basketball player na si Chris Tiu sa “iBILIB” co-host niyang si Shaira Diaz paniniwala nito sa celibacy.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Mayo 17, sinabi ni Chris na pareho raw sila ng misis niya na naniniwalang inilalaan dapat ng mag-jowa ang most intimate self ng isa’t isa pagkatapos ng kasal.

“I agree with Shaira. I’m also very catholic and I got a lot of guidance from my parents as well,” pahayag ni Chris.

Dagdag pa niya: “I think, the same thing about my wife, we believe that you should save your most intimate self for your partner—the one that you’ve chosen to spend the rest of your life with whom you’ve been blessed by God. So, agree ako do’n.”

Relasyon at Hiwalayan

Karylle, pinagsasalita sa hiwalayan nila noon ni Dingdong

Sa isang bahagi kasi ng panayam ay isiniwalat ni Shaira ang dalawang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya isinusuko ang “bataan” sa fiance niyang si EA.

MAKI-BALITA: Kaya ‘di sinusuko ang ‘bataan:’ Shaira, sinusunod ang aral ng Bibliya

Pero kahit vocal si Shaira sa paniniwala niya tungkol sa premarital sex, wala namang kaso sa kaniya kung giangawa na ito ng ilang couples.

MAKI-BALITA: Couples na ginagawa ang premarital sex, walang kaso kay Shaira Diaz