Patay ang isang barangay chairman dahil sa isang aksidente sa motorsiklo sa national highway sa Barangay Labut Sur, Santa, Ilocos Sur nitong Sabado ng umaga, Mayo 18.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jerome Jesus de Peralta Bueno IV, 40, chairman ng Barangay Rizal, Santa.

Makikita sa surveillance footage na aksidenteng bumangga ang northbound Kawasaki motorcycle ng biktima sa southbound Mitsubishi Montero Sports Utility Vehicle na minamaneho ng isang pulis na kinilalang si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Adelio dela Guardia, 49, mula sa Barangay Casantaan, Urdaneta City, Pangasinan.

Dead on the spot si Bueno dahil sa serious injuries.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagluksa naman ang mga taga-Santa sa pagkamatay ni Bueno na inilarawan nila bilang isang mapagkumbaba at responsableng opisyal ng barangay.

Sa isang Facebook post, sinabi ng pamilya ng biktima na hindi sila magsasampa ng anumang kaso laban kay Dela Guardia dahil ang aksidente umano ang nangyari.

- Freddie Lazaro