Patuloy umanong dedepensahan ng House of Representatives ang soberanya ng bansa at maging ang kaligtasan at karapatan ng mga Pinoy laban sa banta ng China na paghuli sa mga “trespassers” sa West Philippine Sea, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Matatandaang ayon sa mga ulat, naglabas umano ng Order No. 3 ang China Coast Guard (CCG) na nagpapahintuloy na aarestuhin nila ang mga umano’y trespasser sa West Philippine Sea, kung saan nag-o-overlap ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

"The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own. We will fiercely defend our sovereignty and ensure the safety and rights of our people,” ani House Speaker Martin Romualez sa isang pahayag nitong Sabado, May 18.

“China's aggressive pronouncement are a blatant escalation of tension in the West Philippine Sea. These unilateral actions flagrantly violate international law and the established norms that guide the Philippines and other law-abiding nations with claims in the South China Sea,” dagdag pa niya.

Iginiit pa ng House Speaker na dapat respetuhin ng China ang international rulings.

"China must respect international rulings and act as a responsible member of the global community, rather than imposing its own laws unilaterally and bullying other nations,” aniya.

Image