Sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS), nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dedepensahan nila ang pagmamay-ari ng Pilipinas habang isinasaalang-alang pa rin daw ang batas.

Sinabi ito ni Marcos sa ginanap na Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) “BAGONG SINAG” Class of 2024 sa Baguio City nitong Sabado, Mayo 18.

Ayon sa pangulo, dedepensa sila laban sa nanghihimasok na hindi umano rumerespeto sa “territorial integrity” ng bansa.

“Against intruders who have been disrespecting our territorial integrity, we will vigorously defend what is ours, but our conduct is always guided by law and [by] our responsibility as a rules-abiding member of the community of nations,” ani Marcos.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Against evolving threats that harm our people and corrode social and political trust, we will be adept, we will be flexible, and we will be ready in repelling such things,” dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ang China ng regulasyon kung saan ide-detain umano ng kanilang coast guard ang mga dayuhang “trespassing” sa South China Sea.