Pinuri ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang pamamalakad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. patungo sa mas magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

Sa panayam ng programang "Bagong Pilipinas Ngayon," sinabi ni Gadon na paninira lamang ang mga nagsasabing lumalala ang kahirapan ng bansa sa kasalukuyan, at hindi mahusay ang pamamahala ni PBBM para mapalago ang ekonomiya.

"Iyong mga nagsasabing hindi maganda 'yong pamamalakad ng administrasyon, eh mga dati nang naninira 'yan kaya huwag kayong maniwala sa kanila," anang Gadon.

"Napakaganda ng pamamalakad ni President Bongbong Marcos at napakaganda ng ating tinatahak upang mapaganda ang kinabukasan ng ating bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod pang henerasyon,” aniya pa.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa parehong panayam ay sinabi rin ni Gadon na "haka-haka" lamang ang kahirapan ng bansa sa kasalukuyan.

MAKI-BALITA: Kahirapan, ‘haka-haka’ lang sey ni Gadon