Nakatakdang umawit ang Filipino children’s choir na Young Voices of the Philippines (YVP) sa World Children’s Day sa bansang Roma sa susunod na linggo.

Base sa ulat ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) nitong Sabado, Mayo 17, ibinahagi ni YVP conductor Dr. Maria Theresa Vizconde-Roldan na aawit ang YVP kasama ang iba pang children’s choirs sa Olympic Stadium sa Mayo 25, at sa misa ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Mayo 26 ng umaga.

Nasa 70,000 mga bata raw mula sa 101 iba’t ibang mga bansa ang inaasahang dadalo sa stadium at papal mass.

Ayon pa sa CBCP, inaasahang darating si Pope Francis sa kaganapan sa Mayo 25 pagsapit ng hapon at makikipagkuwentuhan sa mga bata doon.

“Our participation in this event aligns with our mission to promote our culture and heritage globally and provide opportunities for holistic growth to our choir members,” ani Vizconde-Roldan.

“We believe this experience will enrich them holistically and inspire them to continue serving the Church and society,” dagdag niya.

Taong 2023 raw nang ianunsyo ni Pope Francis ang pinakaunang World Children’s Day ng simbahang Katolika sa Roma.

Kaugnay nito, hinikayat ng Santo Papa ang mga Katoliko sa iba’t ibang dako ng mundo na ipagdiwang din ang naturang espesyal na araw sa kani-kanilang mga dioceses.