Pormal nang ipinakilala ng ABS-CBN ang lead stars ng Philippine adaptation ng patok na South Korean drama na "It's Okay To Not Be Okay" na sina Anne Curtis, Carlo Aquino, at Joshua Garcia.

Matapos ang hiatus sa pag-arte sa telebisyon, ito na ang magsisilbing comeback project ng "It's Showtime" host.

Bagama't nagkasama na sa pelikulang "Baler," ngayon lang magkakatambal sina Anne at Joshua, na aminadong naiilang pa sa tinaguriang "Diyosa" ng showbiz.

"Very honored sobra. Of course, pagkatapos ng napakatagal na panahon babalik siya ng series, tapos isa ako sa mga makakasama niya. Isang karangalan," sey ni Garcia.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Pag-amin naman ni Anne, namanifest na niya na noon na kung sakaling babalik siya sa serye, gusto raw niyang bumida sa adaptation ng IOTNBO at hindi naman niya akalaing mangyayari ito, lalo na nang mapunta sa ABS-CBN ang rights nito.

Naiilang pa nga si Joshua sa mga "titigan" nila ni Anne nang minsang mahiritan na kumasa sa isang challenge.

"He’s a shy boy 😉 @iamjoshuagarcia we got this!" saad ni Anne sa kaniyang X post, kalakip ang isa pang X post ng netizen tungkol sa kanilang challenge.

Kung marami ang excited na sa project, marami rin ang nagdadalawang-isip sa team-up nilang dalawa.

Hindi naman daw matatawaran ang galing sa pag-arte nina Anne, Joshua, at Carlo subalit napapaisip ang maraming netizen kung bagay raw ba sa kanila ang roles.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Unfortunately, he doesn't fit the role."

"di sa nang jujudge pero kahit dipa start ito wala talagang chemistry. Hindi lng ako marami kami, sisirain niyo ung IONTBO. hay naku."

"walang chemistry jusmiyo..bakit IOTNBO pa ang napagdiskitahan nyo, please naman"

"I hope nakikinig naman sila sa fans na hindi talaga si joshua for Kim so hyun vibe"

"Sorry but no. Mag ate vibes."

"Sad. No on-screen chemistry."

Ngunit may mga nagtatanggol naman na netizens na wala pa naman daw kaya huwag muna manghusga.

Bakit naman daw sina Kathryn Bernardo at Alden Richards noon, marami rin ang nagsabing wala silang chemistry, pero nang magawa na ang "Hello, Love, Goodbye," talaga namang pumatok at minsan na ngang hinirang bilang "highest grossing Filipino movie of all time" noong 2019, bago pumasok ang pelikulang "Rewind" noong 2023?

Well, abangan na lang kasi ang output kapag nariyan na.