Inamin ng aktres na si Arci Muñoz ang isang bagay na tungkol sa sarili niya kapag may taong lumalapit para mangutang sa kaniya.

Sa artikulong inilathala ng entertainment website na Push kamakailan, sinabi Arci na siya pa raw ang nahihiya kapag naniningil na siya ng pautang.

“Ang problem sa akin, ‘pag may nangungutang sa akin, I don’t know how to make singil, kung paano sisingilin. Ako pa ‘yong nahihiya,” pahayag ng aktres.

“Ayoko rin kasi maka-offend. And pagdating sa mga money matters, hindi ba ang awkward na parang kayo pa yung nahihiya maningil?” dugtong pa niya.

Events

'Suwerte mo kuya!' Lalaki, nakaiskor ng halik kay Kim Domingo

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Arci ang aral na natutuhan daw niya mula sa naranasan niyang modus operandi noong nakaraang taon.

“Ang natutuhan ko do’n is to be really aware all of the time. Kasi it’s not really a safe world out there. Isipin mo I was in the comfort of a business class plane, so iisipin mo wala na talaga,” lahad ni Arci.

“And dahil nga we raised awareness na kailangan mag-ingat tayo at ‘di tayo maging lax lang, mayro’ng flight attendant na nagsabi sa akin, ‘Alam niyo Ma’am, may nahuli na kami diyan before,’ and modus daw talaga nila ‘yon,” wika niya.

Dagdag pa niya: “So, hindi ka puwede mag-relax, relax lang. Kailangan talaga medyo vigilant ka sa mga ganyan. So since then, talagang doble, tripleng kumot na ‘ypng pinapatong ko sa bag ko. Ang pinaka importante naman, ang dami namang pumapasok na blessings.”

Matatandaang nangyari ang naturang insidente noong Nobyembre 2023 habang nasa eroplano ng isang Korean airline si Arci pauwi ng Pilipinas, mula sa kaniyang pagbabakasyon sa Japan.

MAKI-BALITA: Modus? Arci Muñoz nawalan ng credit card habang nasa eroplano