May makahulugang X post ang singer-TV host na si Ana Ramsey matapos makatanggap ng mga reaksiyon at komento sa pagbibitiw bilang isa sa mga host ng "Showtime Online U," ang extended online show ng noontime show na "It's Showtime."

Isa nga si Ana sa mga ipinakilalang "Win Girls" na makakasama ng nagbabalik-telebisyon at TV5 na si Willie Revillame, kasama pa sina Batangueña TikTok influencer Queenay Mercado at dating beauty queen-social media personality Inday Fatima Kate Bisan.

Marami ang nag-congratulate kay Ana dahil sa panibagong milestone na ito sa buhay niya bilang host, subalit marami rin ang nagulat sa pag-alis niya sa Showtime.

Kaya naman, tila sagot na raw sa bashers ang naging X post ni Ana nitong Biyernes, Mayo 17.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, umalma na 'napahiya konti' siya dahil sa movie poster

"At the end of the day ang gusto lang naman natin ay mag trabaho, makapag provide para sa pamilya, matupad ang mga pangarap, makapag pasaya at mag silbing inspirasyon."

"Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa taong nagsusumikap?" aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Ana Ramsey (X)

Sa comment section ay makikita ang reaksiyon dito ng co-host sa Showtime Online U na si social media personality AC Soriano.

"I love youuuuuu! Go go go lang at huwag lingunin ang mga pangit! 🫶"

"love you mhie ❤️ tugon naman ni Ana.

Marami pang netizens ang nagsabing huwag na lang intindihin ang bashers, at sa talento raw ni Ana ay deserve nito ang mas malaking platform.

Noong Mayo 10 ay nagpaalam naman si Ana sa lahat ng madlang onliners na sumusubaybay sa kanilang online show.

"Maraming salamat po sa mahigit limang taon ng kulitan at tawanan, Madlang Onliners! Sana ay samahan at suportahan ninyo pa rin ako sa panibagong kabanata ng aking paglalakbay. Your Trendy Diva, signing off!" aniya sa kaniyang X post.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang definite date kung kailan mapapanood ang bagong game show ni Willie sa TV5.