Tila ayaw gamitin ng “Fuchsia Libre” star na si Paolo Contis ang salitang bakla batay sa pahayag niya sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.

Sa isang bahagi kasi ng naturang panayam ay ibinahagi ni Paolo ang pananaw niya tungkol  sa komunidad ng LGBTQIA+.

“Ayaw ko ‘yong term na bakla, e. We’re all human beings. Gano’n lang kasimple ‘yon. Hindi ko alam kung bakit babae, lalaki, bakla. It’s just too much,” saad ni Paolo.

“Pare-pareho tayong nabubuhay. Pareho tayong nagmamahal ng pamilya. Pareho tayong gusto lang naman nating maging masaya. Minsan nasasaktan,” aniya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dagdag pa ng aktor: “Pantay-pantay tayo. ‘Yon lang ‘yong natutunan ko tungkol sa mga kaibigan natin sa LGBTQ. I mean, we’re all human beings. We don’t need to demand respect. We just need to be respectful.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Boy sa sinabing ito ni Paolo tungkol sa mga LGBTQIA+.

“It’s a birthright,” sabi niya. “Thank you for saying that. Maraming-maraming salamat.”

Anyway, showing na ngayon sa mga sinehan ang pelikula niyang “Fuchsia Libre” na ang kuwento ay nakasentro sa isang bading na wrestler. Kasama niya rito ang award-winning actor na si John Arcilla.