Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na patuloy pa ring tumataas ang naitatala nilang human immunodeficiency virus (HIV) cases sa Pilipinas.

Lumilitaw sa datos na inilabas ng DOH, mula sa HIV & AIDS and antiretroviral therapy (ART) Registry of the Philippines (HARP), na mula 1984 hanggang Marso 2024, nakapagtala na ng 129,772 cumulative diagnosed cases ng HIV.

Anang DOH, mayroon umanong concentrated epidemic sa mga key at vulnerable populations sa bansa.

Sa naturang bilang, 82% ang kabilang sa males having sex with males (MSM), 2% ang people who inject drugs (PWI), 0.2% ang mga babaeng sangkot sa transactional sex, at 0.3% ang mga paslit.

Sinabi ng DOH na kapansin-pansin na 89% ng mga naitalang bagong impeksiyon ay naganap sa mga MSM, na halos kalahati o 47% ay mula sa mga kabataang nagkakaedad lamang ng 15-24 years old.

Nabatid na sa National Capital Region (NCR) at Regions III, IV-A, VI, at VII matatagpuan ang 74% total cases.

Kabilang umano sa 122,255 diagnosed HIV cases na buhay pa, nasa 64% lamang o 78,633 ang kasalukuyang nasa ilalim ng antiretroviral therapy (ART).

Ayon sa health department, ngayong Enero hanggang Marso, 2024 lamang, umabot sa 3,410 ang newly diagnosed cases, kabilang ang 82 reported deaths.

Dagdag pa nito, noong Marso 2024 lamang ay mayroong 1,224 newly diagnosed cases at 12 reported deaths.

"Ages of newly diagnosed cases for March 2024 ranged from less than 1 to 55 years old, with a median age of 28 years. Close to half (46%) of the new cases for March 2024 were aged 25-34 years old, while almost a third (31%) were among youth aged 15-24 years old," anang DOH.

"Given current conditions, projections modeled through the AIDS Epidemic Model (AEM) and Spectrum suggest a continued rise, with HIV new infections expected to reach 36,700 by 2030, a year when supposedly the global target for ending AIDS is achieved," ayon pa sa DOH.

"Additionally, the projected number of Filipinos living with HIV may increase significantly by 2030, from an estimated 215,400 in 2024 to 401,700, should there be no improvement in the services for HIV/AIDS prevention in general and PLHIV support in particular," anito pa.

Samantala, pinayuhan naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga taong may sakit na HIV na huwag mag-atubiling humingi ng tulong para sa kanilang karamdaman.

Aniya, hanggang nitong Mayo, 2024 ay mayroong 224 treatment hubs at primary HIV care facilities sa bansa.

“Seeking help at general primary care facilities linked to and coordinating with HIV treatment hubs can make a significant difference in managing the disease and improving the quality of life for people living with and affected by HIV,” ani Herbosa.

Dagdag pa niya, “Resilient and sustainable systems for health can and should serve all peoples for all health conditions - starting with the vulnerable.”

Kasabay nito, sinabi pa ng DOH na makikiisa rin sila sa pamamagitan ng Philippine National AIDS Council (PNAC) at San Lazaro Hospital National Reference Laboratory - Sexually Transmitted Diseases (STDs) Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) Cooperative Central Laboratory (NRL-SACCL), sa buong mundo para sa pagdaraos ng International AIDS Candlelight Memorial (IACM) ngayong 2024.

Ang IACM ay isang taunang aktibidad na inoobserbahan sa buong mundo, tuwing ikatlong Linggo ng Mayo upang alalahanin ang maraming buhay na nawala dahil sa AIDS, at parangalan ang mga taong tumutulong sa mga taong dinapuan ng HIV.

Ang IACM ngayong taon ay idaraos sa Mayo 19 sa ilalim ng temang “Put People First: Kandila ng Pagkalinga, Liwanag ng Pag-Asa.”