Arestado ang isang lalaki na kukuha lang sana ng police clearance sa Mangatarem sa Pangasinan.

Nagtungo ang 47-anyos na si alyas ‘Julius’ sa Mangatarem Police station para kumuha ng police clearance, ngunit habang isinasagawa ang proseso, na-detect na may “hit” ang pangalan nito sa National Police Clearance (NPC) system.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Sa beripikasyon, napag-alaman na mayroon itong nakabinbin na Warrant of Arrest for three counts of Statutory Rape na may petsang Enero 16, 2023 na pinirmahan ng Presiding Judge, Family Court, 3rd Judicial Region, Branch 9, San Fernando City, Pampanga.

Walang inirerekomendang piyansa ang naturang kaso.

Dinala na ang suspek sa kustodiya ng pulisya at isasailalim sa legal na proseso.