"Namaalam" na ang kontrabidang karakter na si "Moira Tanyag" sa patok na panghapong seryeng "Abot Kamay na Pangarap" sa GMA Network, na ginagampanan ng award-winning actress na si Pinky Amador.

Sa mismong official Facebook page ng GMA Network ay namaalam na sila sa karakter ni Moira.

"AN END OF AN ERA! MOIRA IS DEAD!" mababasa sa caption.

Teleserye

Umpisa pa lang: Coco at Kim, 'nagkaputukan' na!

Aliw naman ang comment section dahil marami ang kumbinsidong hindi pa rito natatapos si Moira. Biro pa nga ng iba, baka raw gawing "zombie" pa ang karakter ni Pinky sa serye.

Nakatitiyak daw silang may matinding plot twist pa ito.

"Magiging zombie yan si moira . Para lalu pang humaba ang abot kamay ng pangarap."

"Mabuhay pa yan!!! Dudugtungan pa yan ng writers...wag nyo na panoorin kaya para tapusin na nila!"

"Tas mabubuhay siyang muli."

"It's a prank!"

"Hintay lang tayo hahahaha."

Well, mukhang tuloy-tuloy pa ang serye na itinuturing ngayon na longest-running afternoon series.