Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kilala raw niya ang lahat ng mga politikong taga-Tarlac, ngunit wala raw nakakakilala kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang panayam nitong Huwebes, Mayo 16, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marcos na kailangang imbestigahan ang si Guo dahil nagtataka rin daw siya sa identidad nito.

"Kilala ko lahat ng mga taga Tarlac na politiko, walang may kilala sa kaniya. Kaya nagtataka kami kung saan nanggaling ito? Bakit ganito ito? Hindi namin malaman," ani Marcos.

"Kaya kailangan talagang imbestigahan. So, kasabay ng sa Bureau of Immigration, pati – siguro may magku-kwestyon ng taga citizenship. ‘Yun lahat iimbestigahan natin ‘yan kasama ang imbestigasyon, hearing na ginagawa ng Senado," dagdag pa niya.

National

Mayor Alice Guo, posibleng kasuhan ng ‘perjury’ – Comelec

Matatandaang kamakailan lamang ay kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros sa Senate hearing ang kawalan ng school at hospital records ni Guo.

Nang tanungin ng senadora si Guo kung saang bahay siya ipinanganak at kung saang school provider nakakonekta ang kaniyang naging guro nang mag-homeschool, ang naging sagot nito ay “hindi niya alam” at “hindi na niya matandaan.”

Nasa 17-anyos na umano ang alkalde nang mairehistro ang kaniyang kapanganakan sa bahay, at wala rin daw itong diploma dahil tuloy-tuloy umano siyang nag-aral sa pamamagitan ng homeschooling kung saan siya tinuruan ng isa niyang tutor habang naninirahan sa isang “farm.”

Ang naturang pag-usisa sa identidad ni Guo ay matapos imbestigahan ang umano’y pagkasangkot ng alkalde sa ni-raid na isang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa lalawigan.

MAKI-BALITA: Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/05/14/very-alarming-mayor-alice-guo-posibleng-imbestigahan-na-rin-sa-kamara/