Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang notorious drug peddler at tatlong nitong kasabwat sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Kitang 2 & Luz, Limay, Bataan.

Kinilala ng PDEA ang mga suspek na sina Danilo E. Fernando, Melvin C. Dollente, Joco D. Punzalan, at Bryan E. Fernando.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Sa isinagawang buy-bust operation, nasamsam ang 7 plastic sachets na naglalaman ng hindi bababa sa 17 gramo ng umano’y shabu na may halagang P115,600, iba’t ibang uri ng drug paraphernalia, at buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.