Usap-usapan ang pagpapakasal ng "True Faith" vocalist na si Medwin Marfil sa kaniyang partner na si Mark Angeles sa California, USA.

Ayon sa grand reveal ni Marfil na nagsilbing pag-come out niya na rin, ikinasal sila ng kaniyang partner na si Mark noong Mayo 11.

Mababasa sa kaniyang Facebook post:

"May 11, 2024

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Rockaway Beach, Pacifica, California

It was a beautiful day ❤️

Mark 🩷 Meds 💍💍"

Si Mark ay isa ring Pinoy na nakabase na sa California at nagtatrabaho sa healthcare industry.

Kalakip ng post ang larawan nilang "mag-asawa" na mahihinuhang sa araw ng kanilang kasal. Legal ang same-sex marriage sa US. Sa Pilipinas, matagal-tagal pa ang lakbayin nito bago maisa-legal ng batas, bagama't may mga nagsasagawa na ng same-sex civil union.

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa dalawa.

Nagulat naman ang mga netizen sa pagpapakasal ni Medwin sa kapwa kasarian dahil wala namang ideya ang madlang people sa tunay niyang sexuality.