Kahit na cameo lamang daw ang naging role niya sa matagumpay at nagtapos na seryeng "Can't Buy Me Love" ay hindi naman daw matatawaran ang husay na ipinakita ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao, na gumanap bilang si "Divine," ang pinaslang na nanay ni Caroline Tiu na ginampanan naman ng isa sa lead stars na si Belle Mariano.

Bukod sa kilig at iba pang plot twist, umikot ang istorya ng serye sa paghahanap ng misteryo kung sino ang totoong pumatay kay Divine.

Matapos ang paghula ng mga netizen sa iba't ibang suspek batay sa mga ipinakitang motibo at aksyon ng mga pinaghinalang karakter sa serye, ang pumatay pala kay Divine ay si Bettina Tiu, na mahusay na ginampanan ni Kaila Estrada, na talaga namang nag-trending sa social media.

MAKI-BALITA: Kaila Estrada, puring-puri ng netizens dahil sa galing sa pag-arte

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

MAKI-BALITA: Confrontation scene ni Kaila Estrada sa CBML, isang take lang

Ngunit espesyal pala ang finale episode dahil buking ng direktor nitong si Mae Cruz-Alviar, gumawa sila ng "alternate killers at scenes" upang ilihis din sa cast members kung sino ba talaga ang pumatay kay Divine.

Matiyaga nilang kinunan ng eksena kung ano ang magiging mga pangyayari kung sakaling ang pumatay kay Divine ay mga karakter nina Agot Isidro, Ruffa Gutierrez, Rowell Santiago, Albie Casino, Maris Racal, Joao Constancia, at Cris Villanueva.

Bilib na bilib naman daw ang direktor kay Shaina dahil iba-iba rin ang ipinakita nitong atake sa eksenang sinaksak na siya.

Natatawang pag-amin naman ni Shaina, ngayon lang daw siya nakaranas nang ganoong karaming takes ng pagpaslang sa kaniya. LIteral daw na nakapila sa labas ang mga sasaksak sa kaniya.

Well, abangan na lang si Shaina sa upcoming series na "Pamilya Sagrado" na malapit na ring mapanood sa ABS-CBN.