Nagbigay ng kaniyang reaksiyon at saloobin ang dating senador at presidential candidate na si Panfilo "Ping" Lacson tungkol sa isyu ngayon ng "leaks" sa mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng ilang personalidad, kabilang na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa kaniyang social media posts, nagbigay ng limang punto si Lacson patungkol sa nabanggit na PDEA leaks.
"About the PDEA ‘leaks’:
1. The leaked document exists;
2. An agent can type an intelligence report;
3. The said report was never submitted even for initial evaluation by his immediate superior;
4. There is no official report on record;
5. It is a scrap of paper."
"Ang daming inabalang tao."
"Tama ang nakabiting tanong ni Sen Chiz Escudero. Hanggang kailan Ba ‘to matatapos magpapatawag ng resource persons?" giit pa ni Ping.
Samantala, marami naman sa mga netizen ang humimok sa dating senador na muling kumandidato at bumalik na sa senado sa darating na 2025 senatorial race elections.