Hindi na umano pahihintulutan pa ng Commission on Elections (Comelec) ang substitution ng kandidato dahil sa withdrawal ng kandidatura, matapos ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ito'y matapos na magdesisyon ang Comelec en banc na sabay nang idaos ang COC filing at ang withdrawal at substitution of candidates.

"Wala nang substitution after the last day ng filing ng COC," ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ng poll chief na unanimously inaprubahan ng en banc ang kanyang panukala na idaos sa Oktubre 1 hanggang 8 ang COC filing, at isabay na rito ang paghahain ng withdrawal at substitution.

Pahihintulutan pa rin naman aniya ang substitution, na lampas sa October 8 deadline, kung sakaling namatay o nadiskuwalipika ang isang kandidato