Nadismaya ang aktres na si Bela Padilla sa kaniyang naranasan habang nakasakay sa tube o underground train sa London, United Kingdom.

Habang nakasakay raw, napansin niya ang dalawang kabataang babae na kinakalkal ang isang bag na naiwanan ng kung sinumang pasahero.

Wala raw pakundangang kinuha ng mga ito ang pagkain sa loob ng nakitang lunchbox gayundin ang iba pang valuable things sa loob ng bag.

Parang walang nangyari, iniwanan na lamang basta ng mga ito ang bag sa sahig.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Photo courtesy: Bela Padilla (IG) via Fashion Pulis

Photo courtesy: Bela Padilla (IG) via Fashion Pulis

Photo courtesy: Bela Padilla (IG) via Fashion Pulis

Photo courtesy: Bela Padilla (IG) via Fashion Pulis

Habang papauwi, hindi raw naiwasan ni Bela na malungkot sa nasaksihan. Gustuhin man daw niyang sitahin ang kabataang babae ay hindi niya nagawa dahil nangibabaw sa kaniya ang nerbyos at takot.

"And so I realized I'm back in London where no one cares to report these things and no one will intrude when we see bad behaviour," aniya pa.

Photo courtesy: Bela Padilla (IG) via Fashion Pulis

Sey ng ilang netizens, patunay raw ito na kahit saang bansa, may "pros and cons." Hindi lang daw nangyayari sa Pilipinas ang ilang "bad behaviours."

May ilang pumuna rin kay Bela kung ano naman daw ang ginawa nito matapos masaksihan ang insidente.