Lumutang sa mga social media platform ang mga video clip ng kulay pink na liwanag mula sa kalangitan na tila katulad ng Aurora Borealis o northern lights. Gayunman, posible nga bang mamataan ito sa Pilipinas?

Ang Aurora Borealis ay isang natural phenomenon na nabubuo umano sa pamamagitan ng mga charged particles na galing sa araw na tumatama naman sa atmospera ng mundo. 

Samantala, ang mga protons at electrons naman nito ay naglalakbay ng milyon-milyong milya sa pamamagitan ng solar wind na nagbubunga raw ng makukulay at nagsasayawang liwanag sa kalangitan.

Kadalasang makikita ang northern lights sa mga bansang gaya ng Norway, Iceland, Finland, Sweden, Alaska, at Canada. Samantala, ang counterpart naman nitong southern lights o Aurora Australis ay kadalasang makikita sa malaking bahagi ng Australia, Chile, South Africa, at Argentina. 

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa TikTok video na ibinahagi ng isang netizen na si “alexandramyiesha” nitong Martes, Mayo 14, nasa Pasay daw sila nang makita nila ang pink na liwanag sa langit.

"Nandito po kami ngayon sa Pasay. Sa tapat ng shore. Malapit sa MOA [SM Mall of Asia]. And my Aurora Borealis po ngayon dito," saad ng isang nasa video.

Ayon sa ibang netizen na nakapanood ng video, posible raw na dulot ito ng umano’y geomagnetic storm na tumama sa ibang bansa. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Nung nakaraan pa po may binabalita na magkakaroon ng G5 Geomagnetic storm na nangyare na sa ibang bansa . Baka yan din po yun”

“Meaning ganun kalakas ang solar storm na tumama sa earth na pati sa Pinas umabot ang Aurora Borealis”

" data-video-id="7368497699571682566">
@alexandramyiesha Northern pasay #fyp ♬ original sound - sky🎀

%20data-video-id=7368497699571682566%20style=max-width:%20605px;min-width:%20325px;%20%20section%20a%20target=_blank%20title=@alexandramyiesha%20href=https://www.tiktok.com/@alexandramyiesha?refer=embed@alexandramyiesha/a%20Northern%20pasay%20a%20title=fyp%20target=_blank%20href=https://www.tiktok.com/tag/fyp?refer=embed#fyp/a%20a%20target=_blank%20title=♬%20original%20sound%20%20-%20sky🎀%20href=https://www.tiktok.com/music/original-sound-sky🎀-7368497712673458950?refer=embed♬%20original%20sound%20%20-%20sky🎀/a%20/section%20/blockquote%20script%20async%20src=https://www.tiktok.com/embed.js/script">

Pero batay naman sa TikTok video na ibinahagi ni “jhongjhong,” ang liwanag na nakita umano sa langit ay reflection lang ng kulay pink na ilaw sa SM Mall of Asia noong gabing iyon.

" data-video-id="7368889459737218309">
@jhongjhongg Ito lang pala yung sinasabi nilang #auroraborealis #northenlights ♬ original sound - Ester W. Yohanes

%20data-video-id=7368889459737218309%20style=max-width:%20605px;min-width:%20325px;%20%20section%20a%20target=_blank%20title=@jhongjhongg%20href=https://www.tiktok.com/@jhongjhongg?refer=embed@jhongjhongg/a%20Ito%20lang%20pala%20yung%20sinasabi%20nilang%20a%20title=auroraborealis%20target=_blank%20href=https://www.tiktok.com/tag/auroraborealis?refer=embed#auroraborealis/a%20a%20title=northenlights%20target=_blank%20href=https://www.tiktok.com/tag/northenlights?refer=embed#northenlights/a%20a%20target=_blank%20title=♬%20original%20sound%20-%20Ester%20W.%20Yohanes%20href=https://www.tiktok.com/music/original-sound-6944132419918351106?refer=embed♬%20original%20sound%20-%20Ester%20W.%20Yohanes/a%20/section%20/blockquote%20script%20async%20src=https://www.tiktok.com/embed.js/script">

Samantala, sa paliwanag naman ni trivia master Kuya Kim Atienza sa segment niyang &pp=ygUWa3V5YSBraW0gYW5vIG5hIGF1cm9yYQ%3D%3D">#KuyaKimAnoNa noong 2021, imposible raw na lumitaw ang Aurora Borealis sa Pilipinas.

“Malapit sa equator ang Pilipinas. Kaya mas mahina ang magnetic field dito. ‘Yan po ang dahilan para ang Aurora Borealis o northern lights ay imposibleng mamalas ang ganda sa ating bansa,” saad niya.

Gayundin ang sabi sa isang artikulo ng Manila Bulletin noong tungkol sa bagay na ito: “Our country is just too far away from the south and north as we are located just north of the equator.”