Naghayag ng saloobin ang ama ni Deniece Cornejo na si Dennis Cornejo kaugnay sa hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 na “guilty without reasonable doubt” sa kaniyang anak at sa dalawang iba pa.

MAKI-BALITAl Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa kasong isinampa ni Vhong Navarro

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Dennis nitong Lunes, Mayo 13, sinabi niyang pinalaki umano niya si Deniece nang maayos.

"Pinalaki ko si Deniece nang maayos. Sinasabi nila gold digger si Deniece? No! I am working for 22 years. Maganda ang savings ko. Nagtrabaho ako sa barko, lahat sila nabibigyan ko nang maayos na pamumuhay," pahayag ni Dennis. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ibinahagi rin ni Dennis na dahil raw sa nangyari sa kaniyang anak ay napansin niya ang pagbabago sa kaniyang sarili dulot ng labis na pag–iisip.

“Kapag ako ay nag-iisa, kapag ako ay matutulog na, kapag ako ay nagda-drive…There are some changes in me right now. Napapansin ko sa sarili ko dahil sa pag-iisip ko,” kuwento ni Dennis.

“Noong 2014, noong unang nangyari yan, I was working that time sa cruise ship. Nawawala ako sa sarili ko. Ganoon kabigat,” aniya.

Dagdag pa niya: Sabi nila sa akin nung unang nangyari yan: 'Be strong.' Sabi ko: 'Bakit ako kailangan maging strong?’ Lately mo na mararamdaman unti-unti. Hindi, bigla, kasi nag-iisip ako. 'Bakit nagkaganito?'”

Matatandaang nag-ugat ang gusot sa pagitan nina Deniece, Vhong Navarro, Cedric Lee at iba pang mga kasama dahil sa umano’y pagtatangkang paggahasa ng una kay Cornejo noong Enero 22, 2014.

MAKI-BALITA: BaliTanaw: Timeline ng mga nangyari sa kaso nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo