Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng taas-singil sa kuryente ngayong Mayo.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng Meralco na magpapatupad sila ng ₱0.46 kada kilowatt-hour (kwh) na taas-singil sa kanilang electricity rates bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dahil sa taas-singil, ang overall rate ng kuryente ay magiging ₱11.4139/kWh na ngayong Mayo, mula sa dating ₱10.9518/kWh lamang noong Abril.

Nangangahulugan ito na ang mga tahanang nakakonsumo ng 200kwh kada buwan ay madadagdagan ₱92 na bayarin; ₱139 naman ang madadagdag sa bayarin ng mga nakakakonsumo ng 300kwh; ₱185 para sa mga nakakakonsumo ng 400kwh at ₱231 naman para sa nakakagamit ng 500kwh kada buwan.

Una nang sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na asahan na ang pagtaas ng power rates ngayogn buwan bunsod ng naranasang Red at Yellow Alerts nitong mga nakalipas na araw, dahil sa manipis na suplay na kuryente.