Usap-usapan ngayon sa isang online community group ang rant post ng isang netizen matapos niyang ireklamo ang isang online shop matapos makatanggap ng isang puch na naglalaman lamang ng mga karton, sa halip na biniling brand new laptop.

Mababasa sa Facebook post ng "Tipid Hack Philippines," umorder ang customer ng isang laptop sa pamamagitan ng isang sikat na online app noong Mayo 7. Dumating daw ang orders niya noong Mayo 9. Nang buksan daw niya ang laman, tumambad sa kaniyang harapan ang mga ibinungkos na karton sa halip na laptop.

Agad daw niyang ipinagbigay-alam sa online app shop ang nangyari.

"Nag order ako ng sa lazada ng gaming laptop worth ~47,000 nung May 7. Then may 9 dumating yung order naka POUCH lang. Lahat ng parcels ko is bayad na, so abot/iwan lang ginagawa ng riders, so parang wala man 5 seconds yun. At time ng delivery di mo man ma laman yung pouch na yun is yung laptop na. So akala rin namin is ibang order yun since marami kami iba ibang order lalo na if sale," aniya.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Ang mas nakakadismaya raw, tila mabagal ang "return-refund" ng online app dahil sa "insufficient evidence." Idinetalye rin ng netizen ang pagproseso niya ng hinaing.

"Tapos ngayon sobrang hirap mag return refund sa lazada. Puro reject yung request "insufficient evidence" daw. Pero evidence ko is completo. May CCTV nung pag deliver, meron unboxing, meron waybill. Sobrang clear na pouch lang yung inabot ng rider. Obviously di naman kakasya yung Laptop sa pouch."

"May 9: nareceive parcel nung hapon. Nung gabi ng inoopen na dun nagtaka bakit may karton lang yung parcel. Then dun nalang naman na realize na yun dapat laptop."

"After nito agad kami ng request ng refund and nag send ng pictures ng laman ng parcel."

"May 10: nag follow up kami sa lazada. Then nag ask if need nila ng additional evidence kasi nakuha na namin yung CCTV footage nung time ng deliver. Sagot sakin ng lazada agent - di na daw need. Sufficient na daw yung pictures."

"May 11: umaga: nag ask ulit ako sa agent ng followup. Mag hintay lang daw. Tas nung gabi: gulat ako naka rejected yung refund request. TAPOS WALA NA REFUND OPTION! So nag message ulit ako sa lazada ang dami arte pero sinend namin lahat ng kailangan and this time pati yung CCTV footage. Then ginawa lang ng agent is iopen ulit yung refund request. Then dun nilagay ko na yung CCTV video and other pictures. Medjo confident na ako this time kasi sobrang obvious na CCTV na pouch lang siya naka lazada uniform din yung rider."

"May 12: Nag follow up ulit ako. same same sagot hintayin daw. Pero dahil di ako makapali since 47000 YUN. Nag send ulit ako ng ibang videos ng CCTV."

"May 13 (ngayon araw): REJECTED NANAMAN. 'insufficient evidence' daw."

"Halos every hour ng past days inoopen ko lazada para lang i check yung status ng refund request. Grabe sobrang stress grabi tapos wala man nangyayari. Tas most ng agends sobrang dismissive sa concern parang kulang nalang sabihin nila wala silang paki. Lagi lang ireredirect sa "refunds team". E di mo naman ma chat yung refunds team paano mo ikkwento sakanila ano nayari."

Photo courtesy: Tipid Hacks Philippines (FB)

Photo courtesy: Tipid Hacks Philippines (FB)

Photo courtesy: Tipid Hacks Philippines (FB)

Photo courtesy: Tipid Hacks Philippines (FB)

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa customer na humiling na itago ang kaniyang identidad, kasalukuyan na raw pinoproseso ng pinagbilhang online shop ang kaniyang reklamo, at kung hindi raw ay didiretso na siya sa Department of Trade and Industry o DTI para magsampa ng pormal na complaint.

Bukas naman ang Balita sa panig ng inirereklamong shop/online shopping app.