When it rains, it pours 'ika nga.

Bukod sa instant sikat, dinarayo ang kaniyang paresan, at nakatatanggap ng ayuda sa iba't ibang kilalang personalidad gaya na lamang ni Rosmar Tan, muling nabiyayaan ng "ayuda" ang social media personality na si "Diwata."

MAKI-BALITA: Pangarap ni Diwata na magkaroon ng bahay, tinupad ni Rosmar

Ang latest: nakatanggap siya ng gold bar, laptop, at cellphone sa social media influencers na couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang gold bar na pampasuwerte raw ay mula kay Antonette Gail.

Sunod namang ipinakita ni Diwata ang isang brand new Samsung laptop. Aniya, kailangang-kailangan daw niya ang laptop at bagay na bagay raw sa kaniyang kuwarto, kahit sa totoo lang daw, hindi siya marunong kung paano gumamit nito.

Bukod sa laptop, may pa-cellphones pa si Whamos sa kaniya. Isang Oppo at iPhone brand ang ibinigay sa kaniya ng kilalang online personality.

"Maraming salamat, Whamos," pasasalamat ni Diwata. Abangan daw ng kanilang followers ang collaboration nilang dalawa.

Mapapanood ang unboxing ni Diwata sa kaniyang ">YouTube channel.