Ooperahan daw ang isang person deprived with liberty (PDL) matapos mapag-alamang nagpasok ng kontrabandong cellphone sa loob ng kaniyang puwet.

Sa ulat ng News5, nadiskubre umano ang itinagong cellphone sa loob mismo ng puwet ng PDL matapos itong tumunog o mag-ring.

Batay sa panayam kay Director General Gregorio Catapang, Jr., hindi raw mailabas ng inmate ang cellphone mula sa kaniyang puwitan sa loob ng tatlong araw, kaya kinailangan na itong isailalim sa emergency surgery.

Bukod sa cellphone, napag-alaman ding nakapagpupuslit ang mga preso ng iba pang kontrabando gaya ng droga at yosi, na inilalagay raw sa ari nila para maipasok sa loob.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Dahil dito, paiigtingin daw nila ang strip search sa loob ng kulungan.