Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Mayo 13, na maliit pa rin ang tsansang may mabuo o pumasok na bagyo sa bansa sa linggong ito.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni Weather Specialist Obet Badrina sa kasalukuyan ay wala pa rin silang namamataang alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

“For this week, medyo maliit pa rin ang tsansa na magkaroon tayo ng bagyo,” ani Badrina.

Samantala, patuloy pa rin daw naaapektuhan ang bansa ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

Kaugnay nito, inaasahan pa rin ang mainit na panahon, na may tsansa ng pulo-pulong pag-ulan at thunderstorms sa hapon o gabi, sa Metro Manila at iba pang dako ng bansa, ayon sa PAGASA.

Kaugnay na Balita: