Ibinahagi ng komedyanteng si Maria Alilia Bagio o mas kilala bilang “Mosang” kung paano siya tinulungan ng aktres na si Judy Ann Santos sa lowest point ng buhay niya.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Daiz noong Sabado, Mayo 11, iniisa-isa ni Mosang ang mga pinagdaanan niyang hirap sa buhay.

“Ang dami kong pinagdaanan na hirap because hindi naman kami mayaman. Namatay ang magulang ko na sa totoo lang, humingi ako ng tulong sa mga kaibigan sa showbiz para mailabas ng ospital, para maipalibing ko,” kuwento ni Mosang.

“That was the time na single mother ako. Nakipaghiwalay ako. Nagkasakit ‘yong nanay ko. Almost wala akong career. Those were the lowest point of my life na hindi ako artista. Nag-opisina ako. No’ng nabuntis ako nilunok ko ‘yong pride ko na mag-opisina,” aniya.

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Dagdag pa ng komedyante: “Tapos dumating ako sa time na nagkasakit ‘yong nanay ko. Wala akong pambayad ng ospital. So, isang kaibigang artista ang nilapitan ko [...] Si Juday. She’s always been there for me even after pandemic. I’m so blessed of with good friends.”

Kaya naman, talagang hindi raw makakalimutan ni Mosang ang mga kabutihan ni Judy Ann sa kaniya. Hanggang ngayon ay tila wala pa ring nagbago sa samahan nila kahit hindi sila madalas magkita.

Matatandaang nagkasama sina Judy Ann at Mosang sa “Esperanza” kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.