Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Mayo 13, na wala pa silang natatanggap na alinmang ulat na mga Pilipinong nasawi o nasugatan mula sa matinding baha at mudslides na nangyari sa West Sumatra sa Indonesia nitong weekend.

“The Philippine Embassy in Jakarta (PE-Jakarta) has yet to receive reports that OFWs or Filipino nationals were harmed or injured. MWO-SG is coordinating closely with PE-Jakarta to monitor the situation,” anang DMW sa isang pahayag.

Sinabi rin ng DMW na sa pamamagitan ng kanilang Migrant Workers Office sa Singapore (MWO-SG) ay mino-monitor na nila ang epekto ng naging pagbaha at mudslides sa overseas Filipinos (OFWs) at Filipino communities sa West Sumatra.

Ayon sa mga ahensya ng pamahalaan ng Indonesia, nasa 37 katao umano ang nasawi dahil sa naturang pagbaha at mudslide, habang hindi pa natutukoy ang eksaktong bilang ng mga nawawala.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Binanggit din ng Indonesian authorities na ang mga distrito ng Agam at Tanah Datar malapit sa Padang sa West Sumatra ang pinakatinamaan ng naturang sakuna.