Usap-usapan pa rin ang naging pag-alma ng sumikat na online personality na si "You Do Note Girl" o si Majo Lingat, matapos sitahin ng ilang netizen ang umano'y pagsungaw ng kilikili niyang may buhok, sa ibinida niyang "Asoka Make-up Transformation Challenge" kamakailan.

Si You Do Note Girl ang nag-viral na social media personality na nanggaya sa ilang mga highlight scenes ng pumatok na panghapong teleseryeng "Kadenang Ginto" sa ABS-CBN, lalo na sa mga "Mondragon" na ginampanan nina Andrea Brillantes at Dimples Romana.

Sa nabanggit na Asoka challenge, kapansin-pansin daw kasi na mabuhok ang kaniyang kilikili, bagay na sinita naman ng mga netizen.

Hindi naman nalingid sa kaalaman niya ang mga panlalait ng mga netizen kaya agad siyang nagbigay ng reaksiyon tungkol dito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Let's us not normalize [body shaming.] Specially if [it's] normal na may buhok tayo sa [kilikili.] Nakita nyo lang po ang normal sa akin at sa ating lahat."

"Pare-parehas lang po tayong nilalang ng Panginoon sa kaniyang wangis. Wala po tayong pinagkaiba. Tayo lang po ang nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa natin."

"Kabataan ang Pag-asa ng ating Bayang Pilipinas. Matuto po tayong panatilihin ang pagiging makatao at makabayan. Maraming Salamat po," aniya.

Marami naman ang sumuporta kay Majo at sinabing 2024 na kaya dapat mahinto na ang body shaming.

"Dito sa bansang Taiwan karamihan sa kanila Hindi cla nag aahit Ng balahibo sa kili kili at normal lng Po sa kanila un"

"talaga!! ako nga meron hindi naman big deal yun, sadyang nasa mundo lang talaga tayo nang mapanghusgang tao."

"I don't see any problem with having 'Buhok sa Kilikili' at All. PINOY TALAGA JUSKO!!"

"Nung nag dadalaga ako noon hindi ko din inaahit buhok ko sa kili kili kasi man lalagas yan ng kusa sabi ng lola ko pag daw inahit tutubu daw yun at kakapal buhok sa kili kili."

"Normal lang naman na may hair ang kilikili bigdeal lang talaga sa mga taong feeling perfect ang body HAHAHAHAH kaumay sa pinoy apaka body shamer .... 🤣💙 Btw i like this oneeee❤️"

"Yung mga basher/laitera diyan manahimik nalang po kayo,kase siya naman nag mmay ari ng katawan nya,di naman kayo,bakit wala ba kayong buhok sa kili-kili? Parang di kayo tao kung umasta kayo,di rin naman tayo/kayo perpekto kaya wag kayo masyadong judgemental,parang mga hindi nag grade 2 eh."

"Hirap kase sa mga Pilipino gusto laging perpekto ang babae, kaya andami insecurities ng babae sa katawan, tapos ginugugul nalang natin yung panahon natin sa pagiging good looking para sa mga mapang husga."

"Ang peperpek ng mga tao! Her body, her rules! Kayo na nga lang nakikitingin."

Sa kabilang banda, may mga nagpayo naman kay You Do Note Girl na bilang babae daw, mas maganda raw kung malinis tingnan ang kilikili at inaalagaan ito bilang bahagi ng hygiene. Sa mga lalaki raw kasi, hindi off tingnan kung may buhok sa kilikili.

Makikita ang mga komento sa comment section ng iba't ibang online sites at news pages na nag-ulat tungkol dito.

"You do note mag ahit-ahit ka!"

"It's normal pero reflection kasi kung anu ka sa hygiene mo, lalo na kung babae kapa."

"Yes it's normal, pero kaya nga tayo babae diba? I'm not a basher ha, pero dpat malinis parin tayo sa katawan, Lalo na't nsa pinas tayo. Sana gets nyo."

"susme utang na loob yung body positivity ok naman yun pero kaloka ka alam mong gagawin yung video,sinadya mo di mag shave para para mapansin for sure tapos nung napansin aalma ka anu yun?diba nga yan yung goal mo bat magagalit ka, bilang Filipina ka alam mo na kasama sa hygiene at proper grooming ng mga babae dito sa Pilipinas ang mag shave ng kili kili ..ok lang din naman na hindi magshave kung hindi mo ipagbabanderahan ..since ibinalandra mo anung ineexpect mong comment? wow amazing ang lago keep it up nakakainspire! gnun ba?yun iba naman amplastic wag magbait baitan sa comment kahit anung sabhin nyo ang sakit sa mata maruming tingnan diba nga yung mga lalaki nga nag aahit ng balbas at bigote nila para mag mukhang malinis grooming ang tawag dun 🙄hindi yung ippromote nyo yung body positivity sa maling paraan tas ssbihin nyo lets normalize plastic nyo!"

"Ok lng may buhok sa kilikili pero wag na sana mag tank top muna, wag na iexpose. Pag na ahit or wax na cge kht mag swinsuit pa. Part kc ng hygiene yan eh. Sa abroad kilala mga Pinay na malinis na katawan including nayan buhok sa kilikili. Normal lng may buhoy pero inaahit yan dib pinapahaba. Wag gawin normal ang di normal. Sa school part yan na itinututo ang personal hygiene lalo na sa mga kababaihan. Oo iba na generation ngayon pero dun tyo sa pasulong hindi paatras. Ang MALI ITINATAMA pro ang TAMA KAILANMAN HINDI PWEDENG IMALI"

"Te, Wala ka sa China. Hindi culture ng Pinas yan."

"Yes normal lang sya pero wala taung mggwa kung may mga taung pala puna lalot social media influencer ka...ineng much better na mag blouse kna lng ung tago ung buhok sa underarm mo..para iwas bash nlng din db...ksi dmo mapi please ung iba na maintindhan ka at tanggapin ang buhok sa kili kili mo pansinin ksi tlga although d nmn sya maitim pero nppnsin prin...."

Ikaw, anong palagay mo tungkol sa isyung ito?