Binigyang-pugay ni Vice President Sara Duterte ang mga nanay na tinawag niyang “unsung heroes.”
“Today, we celebrate the unsung heroes of our lives – our mothers,” mensahe ni Duterte sa kaniyang pakikiisa sa pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Linggo, Mayo 12.
“We take this moment to express our heartfelt gratitude for the selfless sacrifices they make every day to nurture and care for their families. Their love and guidance pave the way for brighter futures and stronger communities,” dagdag niya.
Binanggit din ng bise presidente ang mahalagang papel ng mga nanay sa pagbuo ng “matatag na sambayanan.”
“Sa lahat ng inang nagsusumikap mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya—sa loob man o sa labas ng bansa, sa sariling tahanan man o sa kani-kaniyang propesyon—hindi po masusukat ang inyong napakahalagang papel sa pagbuo ng matatag na sambayanang aakay sa atin patungo sa mas maunlad na kinabukasan,” ani Duterte.
“Kaisa ninyo ako sa panalangin na magbunga ang ating mga taos-pusong pagpupunyagi para sa ikabubuti ng ating mga anak, mga komunidad, at bansa.
“To all the mothers out there, thank you for your love, wisdom and dedication. You inspire us to make a difference every single day,” saad pa niya.
Kaugnay na Balita: