Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang baybaying sakop ng Tawi-Tawi nitong Linggo ng madaling araw, Mayo 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:25 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 347 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi, na may lalim na 34 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.