Sa kaniyang pagbati ng “Happy Mother’s Day” ngayong Linggo, Mayo 12, may kwelang hirit si Senador Risa Hontiveros sa mga nanay tungkol sa “birth certificate.”

“Happy Mother’s Day to all the momshies out there,” pagbati ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post.

“Sana alam niyo kung may birth certificate ang anak niyo. 🙃,” hirit din niya.

Ang naturang hirit ni Hontiveros ay matapos niyang kuwestiyunin kamakailan sa isang Senate hearing si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil napag-alamang wala siyang school at hospital records.

National

Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?

Nang tanungin ng senadora ang alkalde kung saang bahay siya ipinanganak at kung saang school provider nakakonekta ang kaniyang naging guro nang mag-homeschool siya, ang naging sagot nito ay “hindi niya alam” at “hindi na niya matandaan.”

Nasa 17-anyos na umano si Guo nang mairehistro ang kaniyang kapanganakan sa bahay, at wala rin daw itong diploma dahil tuloy-tuloy umano siyang nag-aral sa pamamagitan ng homeschooling kung saan siya tinuruan ng isa niyang tutor habang naninirahan sa isang “farm.”

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/05/11/sen-risa-tawang-tawa-sa-hirit-ni-vice-ganda-sa-chinoy/