Nagpahayag ng pasasalamat ang Philippine Coast Guard (PCG) kay Unkabogable Superstar Vice Ganda dahil sa naging entry nito sa TikTok trend na “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge.

Matatandaang nitong Biyernes, Mayo 10, nang ilabas ni Vice sa kaniyang social media accounts ang kaniyang “Piliin Mo Ang Pilipinas” entry, kung saan ipinakita niya ang ilang isyung panlipunan tulad ng naging pambobomba ng China Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa gitna ng isyu ng pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda

Sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Mayo 11, na inulat ng Philippine News Agency, sinabi ni PCG spokesperson WPS Commodore Jay Tarriela na maging inspirasyon sana ang TikTok video ni Vice para piliin din ni ang bansa.

National

Liberal Party, nag-react sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ entry ni Vice Ganda

“Siguro, this is the right time for us to realize na dapat kahit kung nasa gobyerno ka man o nasa pribado ka, piliin natin ang Pilipinas,” ani Tarriela.

“Laging tatandaan natin na our country’s not perfect, pero Pilipino tayo, nakatira tayo sa Pilipinas, iisang bansa tayo. Ang lagi nating isaalang-alang ay ang interes ng Pilipinas,” dagdag pa niya.

Bukod sa naturang forum, nauna nang naghayag ng pasasalamat si Tarriela kay Vice sa pamamagitan ng isang X post nitong Biyernes.

“Maraming salamat, @vicegandako, sa patuloy na pagpili ng Pilipinas. Kahit mahirap siyang ipaglaban, sama sama tayong piliin ang Pilipinas! Ang West Philippine Sea ay parte ng Pilipinas, piliin nating tindigan ito para sa susunod na lahi ng kabataang Pilipino! 🇵🇭,” saad ni Tarriela.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/05/11/piliin-mo-ang-pilipinas-entry-ni-vice-ganda-napapanahon-at-kapuri-puri-gabriela/