Tamang-tama para sa pagdiriwang ng "Mother's Day," pumukaw sa damdamin ng mga netizen ang kinathang awitin ng full time independent artist na si "Keiko Necesario, 33-anyos mula sa Quezon City, na alay niya para sa mga ina.

May pamagat ang awitin na "Inay."

"Happy Mother’s Day sa ating mga nanay!!!" saad niya sa kaniyang Facebook post nitong araw ng Linggo, Mayo 12. Kalakip ng post ang music video ng kaniyang awitin.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Tatlong pinakamatatandang imahen ng Sto.Niño sa buong Pilipinas

"Para sa inyo ang awit nito… 🫶🏻"

"Here’s the Official Music Video of my song 'INAY' featuring photos and messages of sons, daughters, and husbands who want to honor these amazing women we all call mommy, mom, inay, nanay, mama, inang 🥹."

Nangalap naman ng mga larawan si Keiko mula sa mga netizen upang maisama sa music video.

"Napanood nyo na ba ang ating Mother’s day special? 🫶🏻🫶🏻🫶🏻 Parinig nyo na kay inay yung kantaaa 🎶🌿🎨," aya naman niya sa lahat.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Keiko, noon pa palang 2016 niya naisulat ang kanta subalit hindi agad niya natapos. Dalawa raw ang naging inspirasyon niya upang isulat ang kanta: ang kaniyang ina at lola.

"Sinulat ko itong 'INAY' in 2016, gusto kong makasulat ng kanta for my mom. Pero when I first wrote it, umiiyak na ako so never ko siya natapos… hanggang sa 2021, I was finally able to finish it and surprised my mom on Mother’s day with a simple live video."

"This song kasi is really like a lullaby for my mom kasi dati noong bata ako, 'pag pinapatulog niya ako, lagi niya ako hinehele… so she’s really my inspiration behind the song."

"But also, 'yong title inspired din sa lola ko si inay Uring, mom’s late mother. Overall though, this song really goes out to all our moms out there. Sa mga inay nating grabe ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin."

Mensahe ni Keiko sa mga inay at anak ngayong Mother's Day, "Happy mother’s day sa aming mga inay! And sa ating mga anak, mahalin natin ang ating mga nanay (at tatay) hindi lang today but everyday hehe paramdam at sabihin natin ng paulit-ulit kung gaano sila kahalaga sa atin."

Mapapanood ang official music video ng awiting "Inay" sa ">official YouTube channel at iba pang social media platforms ni Keiko Necesario.

Congrats, Keiko!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!