Kinaaliwan at tila naka-relate ang mga netizen sa isinagot ng rising all-female Pinoy Pop group na "BINI" sa tanong sa kanila ni ABS-CBN news anchor/journalist Karen Davila sa kaniyang"> YouTube channel.

"Where do you get inspiration?" tanong ni Karen sa grupo.

Habang may mga sumagot ng "pamilya," diretsahang sagot ni BINI Gwen, "Sa mga bayarin po" sabay tawanan.

"Where do you get inspiration... bayarin!" natatawang pag-uulit naman ni Karen.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Segunda naman ni BINI Maloi, "Kasi ano po eh, alipin kami ng mahal na bayarin...."

Naka-relate naman ang mga netizen dito.

"Kami rin, BINI!"

"Samedth!"

"Pare-pareho tayo ng inspirasyon hahaha."

"Alipin din kami ng mga bayarin hahaha."

Samantala, matutunghayan naman sa vlog ni Karen ang paglalahad ng bawat isa ng kanilang mga pinagdaanan sa buhay, bago unti-unting napansin ang kanilang hit songs na "Pantropiko" at "Salamin, Salamin" na nasa top chart list ngayon ng Spotify.

Photo courtesy: Screenshot from Spotify

Bago ang kanilang opisyal na debut noong Enero 2021, mahaba at puspusang pagsasanay muna ang pinagdaaan ng mga miyembro ng BINI sa Star Hunt Academy. Mula sa pagpapahusay ng kanilang talento hanggang sa mahigpit na disiplina sa pagda-diet.

Binubuo ang grupo ng walong binibini sa pangunguna ni Jhoanna, Maloi, Gwen, Aiah, Mikha, Sheena, Colet, at Stacey.

MAKI-BALITA: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?