Sa gitna ng tumitinding init ng panahon, napukaw ang atensyon ng isang netizen na si Fidel Samonteza sa dambuhalang aircon sa Bonifacio Global City na makikita sa Taguig.

Bukod kasi sa laki nito, kakatwa ring wala sa loob ng isang gusali ang naturang aircon kundi nasa tabi ng kalsada.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Fidel, sinabi niya na gumagana raw talaga ang dambuhalang aircon. Pero wala raw siyang ideya kung bakit nasa labas ito.

“Hindi ko po sila natanong if part lang ba sya ng marketing nila,” aniya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dagdag pa ni Fidel: “First time ko po siyang nakita sa BGC.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizen ang post na ibinahagi ni Fidel kung saan tampok ang larawan at video ng dambuhalang aircon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“hindi sinara yung pinto, literal na lumabas yung aircon😆”

“Luh seryoso yan? Hahah”

“Sa June hanggang February yan papaganahin.😂😂”

“Sabi sainyo isara ang pinto kasi LALABAS ANG AIRCON!!!!!”

“Wow ! Antaray anlaking Aircon for all 😂🤣”

“MAY REMOTE PA 😭😭”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 6.2k reactions at 7.1k shares ang naturang post ni Fidel sa Facebook.