Nagsagawa ang Gabriela Women's Party ng Mother’s Day activity kasama ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo, Mayo 12.

Sa isang Facebook post, makikita ang ilang mga larawan ng isinagawang aktibidad sa ilalim ng banner ng “Mothers for Justice” na pinangunahan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.

Ayon sa Gabriela, ikinuwento ng mga inang dumalo sa kaganapan ang “malagim” na karanasan ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

"These mothers and family members, now bearing the heavy burden of trauma and injustice, embody the unwavering resolve to seek accountability and put an end to impunity," ani Brosas.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

Kaugnay nito, iginiit ng mambabatas na ang binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na Special Committee on Human Rights Coordination nitong Linggo ay isang pangpronta lamang sa sitwasyon ng bansa pagdating sa salik ng karapatang pantao.

"Two years since Marcos Jr. began office, no justice has been served for the victims of extrajudicial killings. He never even spoke about supporting the victims of the war on drugs. Moreover, the government is still supporting the NTF-ELCAC which continues to silence dissent and redtag progressive individuals,” saad ni Brosas.

Ayon sa mga ulat, mahigit 6,000 katao umano ang pinatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte, kung saan inihayag naman umano ng iba’t ibang international human rights organizations na nasa 12,000 hanggang 35,000 ang aktuwal na bilang ng mga nasawi dahil dito.