Patuloy pa ring umiiral ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa buong bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Mayo 12.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, mataas ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas dahil sa easterlies.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, posibleng makaranas lamang daw ng ilang mga pulo-pulong pag-ulan ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dulot pa rin ng easterlies, at maging ng localized thunderstorms.

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

Sa kasalukuyan ay walang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).