Umay na umay at "sukang-suka" ka na ba sa iba't ibang bersyon ng "Asoka make-up challenge" na patok na patok ngayon sa social media, lalo na sa TikTok?
Halos lahat na nga ang haling na haling na sa panibagong uso ngayong challenge kung saan ipinakikita ang mabilis na pagpapalit-palit ng make-up, outfitan, hanggang sa maging isang Indian bride sila.
Isa nga sa mga pinag-usapang Asoka challenge ng celebrities ay kay Marian Rivera, Criza Taa, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.
[embed]
[embed]
[embed]
[embed]
[embed]
[embed]
Nagkaroon pa ng bersyon nito gamit ang kantang "Piliin Mo Ang Pilipinas" kung saan pumatok ang entry ni Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa pagiging "socially relevant" nito.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, tinapos na raw ang laban sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge
MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda
Anyway, saan nga ba galing ang background music na ginagamit sa Asoka make-up challenge na ito?
Ang pamagat ng Indian song ay "San Sanana” mula sa isang Bollywood film na may pamagat na "Asoka" noong 2001.
Ang pelikula ay pumapatungkol sa likhang-isip na bersyon ng buhay ni "Emperor Asoka" ng Imperyong Maurya, na ginampanan ni Shahrukh Khan.
Nagsimulang mag-trend ang nabanggit na make-up challenge na may background ng San Sanana dahil sa isang Indonesian influencer na si Sita Suwarnadwipa.
[embed]
At dahil pumatok na nga ito, dahil ang mga Pinoy influencers ay mabibilis, of course, agad naman silang naglapag ng entries at hindi nagpahuli.