Patay ang isang 5-anyos na lalaki sa Lapu-Lapu City, Cebu matapos umano siyang pukpukin sa ulo at ihagis sa dagat ng kaniyang 14-anyos na kapatid.

Sa ulat ng ABS-CBN News, nangyari ang insidente sa Sitio Lawis, Barangay Suba-Basbas nitong Biyernes ng umaga, Mayo 10.

Naglalaro lamang daw ang dalawa nang bigla umanong kumuha ng bato ang 14-anyos at ipinukpok ito sa 5-anyos niyang kapatid.

Nang mawalan ng malay ang biktima ay doon na siya tinulak sa dagat ng hanggang sa malunod, ayon kay Police Lt. Col. Christian Torres.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dagdag pa ng ulat, napag-alaman umano sa imbestigasyon ng pulisya na magkaiba ang ama ng magkapatid at galit umano ang 14-anyos sa tatay ng 5-anyos na biktima.

Dahil menor de edad ang suspek, isinailalim umano siya sa isang home care facility.

Patuloy pa rin namangnagsasagawa ang mga awtoridad ng imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.