Humingi ng tawad ang social media personality na si "Zeinab Harake" matapos atakihin ng bashers sa pagkokomento sa "Piliin Mo Ang Pilipinas" video challenge entry ni Unkabogable Star Vice Ganda.
[embed]
"Laroooooooo hahaha love you," komento ni Zeinab na hindi nagustuhan ng mga netizen.
Hindi raw kasi laro ang ginawa ni Vice dahil socially relevant ang naging laman at atake ng comedian-TV host sa kaniyang entry, na malayong-malayo raw sa ginawa ng iba pang celebrities na kumasa sa challenge.
Sa kaniyang Instagram stories, nag-sorry na si Zeinab sa mga na-offend sa simpleng komento niya.
Aniya, "Sa mga na offend ko sa comment ko kay Meme Vice, I am really sorry na amaze lang talaga ako ng sobra sa pagiging witty niya sa paggawa ng content dahil napasok niya ang social issues in which we all should be aware of. I really do love her and I will always support her no matter what."
"Nagkausap na din kami ni Meme Vice about this. Let's all support Meme Vice and let's continue to use our platform for better purposes and to uplift one another and our country."
Samantala, marami naman ang nagsasabing "tinapos na ang laban" dahil sa trending na video ni Vice Ganda. May mga humihimok tuloy sa kaniyang pasukin na rin ang politika.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, tinapos na raw ang laban sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge
MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda
MAKI-BALITA: Vice Ganda, pinu-push ng netizens na tumakbong senador