Ang entry daw ni Unkabogable Star Vice Ganda ang tumapos ng laban sa nauuso ngayong "Piliin Mo Ang Pilipinas" challenge dahil sa kabuluhan ng nilalaman nito.

Hindi lamang daw ito pagpapa-cute at pagpapaganda kundi "socially relevant" din dahil nagpakita ng iba't ibang isyu o usaping panlipunang napapanahon sa kasalukuyan.

Ilan sa mga makikitang usaping panlipunan na makikita sa kaniyang challenge ay ang araw-araw na kalbaryo ng mga pasahero dahil sa matinding daloy ng trapiko, ang isyu ng pag-phase out sa mga lumang pampasaherong jeepney dahil sa public vehicle modernization program, ang pagtatayo ng resort sa vicinity ng Chocolate Hills sa Bohol, at ang mainit na "agawan" tungkol sa West Philippine Sea.

Sa dulo ng video, sinabi ni Vice na mahirap mang ipaglaban ang Pilipinas, ito pa rin ang pipiliin niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita Pilipinas," pahayag ni Vice sa dulo ng video habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.

Agad itong pumalo ng milyong views sa social media, lalo na sa TikTok.

Pinusuan naman ito ng mga kapwa celebrity, influencers, at netizens dahil sa lahat daw ng gumawa ng entry sa challenge, ang ginawa ni Vice Ganda ang "tumapos ng laban."

Mismong official Instagram page ng ABS-CBN ang nagsabing "Tapos na ang laban" sa challenge.

Narito ang ilan sa mga celebrity na nag-iwan ng komento sa kaniyang video:

Anne Curtis: "the message"

DJ Chacha: "GANYAN DAPAT 🔥🔥🔥 ginalingan mo naman masyado Meme! Piliin ang Pilipinas hindi lang sa content o sa salita. May paninindigan din sa mga isyung pambayan! Mabuhay ka @praybeytbenjamin 👏👏👏"

Jolina Magdangal: "Meme!!!!! Totoo lahat to. Ang galing ng pagkwento.

Amy Perez-Castillo: "Charming, confident and elegant!"

Kaladkaren Davila: "VALEDICTORIAN KA MEME!!! Socially relevant 👏🏻👏🏻👏🏻 I love you!!!"

Tim Yap: "Ipaglalaban pa din natin ang Pilipinas"

Darren Espanto: "Transitionist"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay pumapalo na sa million views ang kaniyang video.

MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda