Trending ang entry ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa patok na "Piliin Mo Ang Pilipinas" challenge dahil hindi lamang daw ito pagpapa-cute at pagpapaganda kundi "socially relevant" din dahil nagpakita ng iba't ibang isyu o usaping panlipunang napapanahon sa kasalukuyan.

Ilan sa mga makikitang usaping panlipunan na makikita sa kaniyang challenge ay ang araw-araw na kalbaryo ng mga pasahero dahil sa matinding daloy ng trapiko, ang isyu ng pag-phase out sa mga lumang pampasaherong jeepney dahil sa public vehicle modernization program, ang pagtatayo ng resort sa vicinity ng Chocolate Hills sa Bohol, at ang mainit na "agawan" tungkol sa West Philippine Sea.

Sa dulo ng video, sinabi ni Vice na mahirap mang ipaglaban ang Pilipinas, ito pa rin ang pipiliin niya.

"Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita Pilipinas," pahayag ni Vice sa dulo ng video habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Agad itong pumalo ng milyong views sa social media, lalo na sa TikTok.

Pinusuan naman ito ng mga kapwa celebrity, influencers, at netizens dahil sa lahat daw ng gumawa ng entry sa challenge, ang ginawa ni Vice Ganda ang "tumapos ng laban."