Nagpahayag ng papuri ang women’s group na Gabriela sa entry ni Unkabogable Superstar Vice Ganda sa TikTok trend na “Piliin Mo Ang Pilipinas.”

Sa isang pahayag nitong Sabado, Mayo 11, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ng Gabriela na kapuri-puri ang paggamit ni Vice ng kaniyang plataporma para ipakita ang mga isyung panlipunan ng bansa.

"Vice Ganda's bold stance in raising awareness on social issues such as the traffic congestion and commuters' struggle in the country, protests concerning the PUV modernization program, the infamous Torre de Manila that photobombs the Rizal Monument in Luneta Park, the resort that was built in the Chocolate Hills in Bohol, and the water cannon assault by China Coast Guard in the West Philippine Sea is timely and commendable," anang Gabriela.

"In times of crisis, it is crucial for influential figures like Vice Ganda to use their platform to uplift and empower Filipinos, instilling a sense of patriotism and solidarity in facing the challenges that confront our nation," dagdag nito.

Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda

Matatandaang nitong Biyernes, Mayo 10, nang ilabas ni Vice sa kaniyang social media accounts ang kaniyang “Piliin Mo Ang Pilipinas” entry na agad namang nag-trending.

Maging ang Liberal Party (LP) ay nagbigay rin ng komento sa naturang video ni Vice.

https://balita.net.ph/2024/05/11/liberal-party-nag-react-sa-piliin-mo-ang-pilipinas-entry-ni-vice-ganda/

Bukod dito, nagpasalamat naman ang transport groups na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at Manibela dahil sa naging pagtindig daw ni Vice para sa mga tsuper sa pamamagitan ng pagpapakita sa video ng kanilang mga panawagan.

https://balita.net.ph/2024/05/11/piston-manibela-pinasalamatan-pagtindig-ni-vice-ganda-sa-panawagan-ng-mga-tsuper/

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/05/11/vice-ganda-tinapos-na-raw-ang-laban-sa-piliin-mo-ang-pilipinas-challenge/