Sang-ayon ang direktor at writer na si Ronaldo Carballo sa kumalat na balitang mahirap daw katrabaho si Kapuso actor Xian Lim, ayon na rin sa komento ng isang GMA scriptwriter na si Brylle Tabora sa Facebook post ng isang lifestyle magazine kung saan tampok ang aktor.

“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH!” mababasa sa komento ni Tabora.

MAKI-BALITA: Sey ng TV writer: Xian Lim, mahirap daw katrabaho

Ibinahagi naman ni Carballo ang isang ulat mula sa isang lokal na pahayagan na nagbalita rin tungkol dito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sey niya na naka-all caps pa sa kaniyang Facebook post, "YES, ITS TRUE! MATAGAL NANG USAP-USAPAN YAN NA XIAN LIM IS SO DIFFICULT TO WORK WITH, IN ANY TASK THAT IS ASSIGNED TO HIM. ACTING, HOSTING, ETC."

"I AM SURE, HINDI NA IRI-RENEW NG GMA7 ANG CONTRACT NYAN."

"HINDI NAMAN SYA SIKAT AT HINDI SYA MARUNONG UMARTE. MAS MARAMING MAS SIKAT, MAS GOOD LOOKING, AT MAS MAHUHUSAY UMARTE NA VERY PROFESSIONAL TO WORK WITH, WHO DESERVE A GOOD BREAK THAN XIAN LIM."

"NI HINDI NGA NAG-RATE YUNG TELESERYE NILA NI JENNY LYN MERCADO. HINILA NYA PABABA SI JENNYLYN."

"FEELING ENTITLED DAW YAN SI XIAN. NAGGAGALING-GALINGANG WRITER-DIRECTOR, KAHIT WALANG ALAM.

KAYA PINIPESTE NYA ANG MGA WRITERS SA MGA IDEA NYA AT GUSTO NYANG MANGYARI SA SCRIPT," aniya, as is.

Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)

Dagdag pa ni Carballo, kung ang isang artista ay kinuha sa isang proyekto bilang isang aktor, marapat daw na gawin niya ang trabaho bilang artista, at hindi mangialam bilang writer o direktor bilang respeto na rin sa kanila. Puwede raw magtanong o magbigay ng mungkahi, subalit huwat daw pakialaman ang kuwentong isinulat at treatment na gusto ng direktor na siyang may hawak ng manibela kung saan patungo ang proyekto.

"IF YOU ARE HIRED AS AN ACTOR, WAG KANG MAG-ILUSYONG MAHUSAY KANG WRITER AT DIREKTOR. ARTISTA KA LANG FOR THAT PARTICULAR MOMENT. THAT IS VERY DISRESPECTFUL TO THE WRITERS & TO THE DIRECTOR(S)."

YOU CAN ASK; YOU CAN SUGGEST; PERO WAG KANG MAGMAHADERANG PAKIALAMAN ANG SINULAT NG MGA WRITERS AT GUSTONG TREATMENT NG DIREKTOR."

"THE WRITERS & THE DIRECTOR(S) ANG MAY LAST SAY. UMARTE KA LANG."

Dagdag pa niya para kay Xian, "PROBLEMAHIN MO KUNG PAANO KA MAGIGING MAHUSAY NA AKTOR. NI HINDI KA NGA MAKAARTE NG TAMA, XIAN LIM."

"IF YOU ARE NOT HAPPY WITH THE WRITERS & THE DIRECTOR, LEAVE!"

"DON'T ACCEPT THE PROJECT AT WAG KA NANG MAMBIWISIT SA SET."

Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Xian Lim tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.