Kung babaybayin ang kasaysayan, matagal na umanong nagdiriwang ng mother’s day ang mga sinaunang Griyego at Romano para parangalan ang mga diyosang sina Rhea at Cybele. 

Makikita rin daw ang ganitong pagdiriwang sa tradisyon ng mga Kristiyano na kung tawagin ay “Mothering Sunday” noong panahon ng medieval. 

Pero ang modernong anyo ng pagdiriwang ng mother’s day ay nag-ugat umano sa Amerika sa pamamagitan ni Anna Jarvis.

Isinilang si Anna noong Mayo 1, 1864 sa West Virginia. Siya ang ikasampu sa 13 anak ng mga magulang niyang sina Ann Reeves Jarvis at Granville Jarvis.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ayon sa mga kuwento at tala, hinahangaan umano ni Anna ang ina niyang si Ann na tumulong sa mga sugatang indibidwal noong panahon ng civil war sa Amerika. Ito ang nagtulak sa kaniya para maging community activist. 

Isang araw, noong 12-anyos siya, narinig daw ni Anna ang panalangin ng kaniyang nanay na sana ay magkaroon ng isang araw na gumugunita sa kadakilaan ng mga inang tulad nito. Hindi nakalimutan ni Anna ang hiling na iyon ng nanay niya hanggang sa siya ay lumaki. 

Kaya nang mamatay si Ann noong Mayo 1905 ay sinimulang ikampanya ni Anna ang pagtatalaga ng espesyal na araw para sa mga ina. Nakipag-ugnayan siya sa pilantropong si John Wanamaker na kalaunan ay naging bahagi ng Mother’s Day committe na naghangad ding maparangalan ang mga ina sa iba’t ibang dako ng bansa.

Sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang kampanya, tuluyang kinilala ng gobyerno ng Amerika noong 1914 ang ikalawang linggo ng Mayo bilang araw ng mga ina.

Pero kalaunan ay nadismaya si Anna sa nakita niyang resulta sa paraan ng pagdiriwang ng mother’s day. Naging sentro kasi ng komerisyo at tila nawalan ng sinseridad ang naturang pagdiriwang. Ang mga liham na dapat sana ay sulat-kamay at isinulat nang bukal sa puso ay iniasa na lang sa mga kompanya na gumagawa ng greeting card. 

Kaya umapela siya na buwagin na ang pagdiriwang ng mother’s day. Inaresto siya noong 1930 dahil umano sa gulong idinulot niya sa tindahan ng mga bulaklak. At sa kasamaang-palad, namatay siyang walang anak noong Nobyembre 24, 1948.

MAKI-BALITA: Kilalanin si ‘Anna Jarvis’ at kung paano nagsimula ang Mother’s Day celebration