Bahagyang tumaas ang approval at trust rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Abril 2024, habang bahagyang bumaba naman ang kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, ayon sa survey ng Tangere.

Base sa lumabas na survey ng Tangere, mula 41% noong Marso ay naging 42% ang satisfaction rating ni Marcos nitong Abril 2024.

Isang puntos din ang itinaas ng pangulo sa kaniyang trust rating, mula 54% noong Marso ay naging 55% noong Abril.

Samantala, isang puntos naman daw ang ibinaba ng satisfaction rating ni Duterte, kung saan mula 54% noong Marso ay naging 53% ito nitong Abril.

National

VP Sara, nananatiling 'most approved, trusted gov't official' – Tangere

Bukod dito, mula 64% noong Marso ay naging 62% ang trust rating ni Duterte noong Abril, bagay na bumaba nang dalawang puntos, ayon sa Tangere.

Bagama’t bumaba, si Duterte pa rin lumabas na nakatanggap ng pinakamalaking porsyento ng satisfaction at trust ratings ng naturang survey.

Isinagawa raw ng Tangere ang kanilang survey mula Abril 24 hanggang 27, 2024 sa pamamagitan ng “mobile-based respondent application,” na may sample size na 2,400.

Gumamit daw ang survey, na may ± 2.20% margin of error at 95% confidence level, ng Stratified Random Sampling method (quota-based sampling).