Tila updated si Unkabogable Star at ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda sa social issues ng bansa.
Nitong Biyernes sa latest episode ng ‘EXpecially for You’ ng ‘It’s Showtime,’ kwelang tinanong ni Vice ang isang Chinoy searchee kung alam niya kung saan siya ipinanganak.
“Ako nga po pala si Chris, 22 years old, your Chinoy arts student from Binondo, Manila,” pakilala ng searchee.
“Ah Chinoy. Dito ka talaga ipinanganak?” tanong ni Vice.
“Yes,” sagot ni Chris.
“May birth certificate ka?” tanong ni Vice. “Opo,” agad namang sagot ni Chris.
“Taga-saan mga magulang mo?” natatawa pang tanong ng Unkabogable Star.
“‘Yung mom ko po Filipina, tapos ‘yung dad ko po pure Chinese mo,” tugon ng searchee.
“Alam mo ba kung saan ka ipinanganak?” sundot na tanong pa ni Vice.
“Yes po. Sa Olongapo po,” sagot naman ni Chris.
“Oh at least naaalala niya,” sabi ni Vice.
“Sino bang hindi nakakaalala,” biglang tanong ni Jhong Hilario.
“‘Yong doon sa Senate hearing… Hindi mo ba napanood?” natatawang sabi pa ni Vice.
“Panoorin niyo kaya para aware tayo,” dagdag pa niya.
Matatandaang pinagdududahan ngayon ang identidad ng alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo dahil napag-alamang wala siyang school at hospital records.
Ito ay matapos imbestigahan ang umano’y pagkasangkot ng alkalde sa ni-raid na isang Philippine offshore gaming operation (POGO) sa lalawigan.
Sa isang pagdinig ng Senado, tinanong ni Senador Risa Hontiveros si Guo kung saang bahay siya ipinanganak at kung saang school provider nakakonekta ang kaniyang naging guro nang mag-homeschool siya.
Ang naging sagot ng alkalde ay “hindi niya alam” at hindi na niya matandaan ang naturang mga impormasyon hinggil sa kaniyang sarili.
BASAHIN: Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?