Umaapela ang Consumer Welfare Groups sa pamahalaan na mabigyan ng libreng flu vaccines ang lahat ng senior citizen sa bansa.

Ayon kay paliwanag ni Ricardo Samaniego, Founder ng Philippine Coalition of Consumer Welfare Inc., “The low vaccine uptake is primarily due to lack of awareness and the high cost of vaccines. The government's free vaccination program stands as their only means of protection against vaccine-preventable diseases."

Nabatid na 36.3% lamang ng mga seniors, o yaong nasa edad 60 pataas, ang nabibigyan ng bakuna laban sa influenza sa bansa.

Nasa 85% naman ng mga namamatay na nasa 65 anyos pataas ay pawang flu related..

Alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act of 2010, ang  Department of Health (DOH) ang naatasan na magbigay ng libreng influenza at pneumococcal vaccines para sa mga mahihirap na senior citizen.

Gayunman, ang Philippine Coalition of Consumer Welfare at iba pang mambabatas ay may adbokasiya pa na sakupin nito ang lahat ng senior citizen hindi lamang ang mga nasa hanay nang mahihirap.

Samantala, sinabi ni Roderick Alapar,  Lead Convenor ng grassroots organization Bayan Bakuna, na mau karapatan ang mga senior citizen na makatanggap ng libreng life-saving vaccines.

Aniya, "Our government needs to start strengthening immunization efforts for our elderly population to promote a healthy aging society."